Save Sierra Madre Network Alliance Inc.

Issues and Concerns

SAMA-SAMANG TUTULAN                                                                                      
mga kasalukuyang pinapasang KRUS ng SIERRA MADRE:

  • Patuloy at talamak na pagtotroso at pagwasak ng mga kagubatan sa kabila ng Executive Order No. 23 ng Pangulong Aquino na nagdeklara ng logging moratorium at patuloy na pagmimina ng mga kabundukan, tabing-ilog at tabing-dagat sa halos lahat ng bahagi ng Sierra Madre.
  • Proyektong kalsadang Ilagan-Divilacan na hihiwa sa mga natitira pang “virgin forests” sa pusod ng Sierra Madre.
  • Proyektong APECO o Aurora Pacific Economic Zone na sumisira sa mga likas-yaman ng Casiguran, Aurora at lumalapastangan sa karapatan ng mga kapatid nating magsasaka, mangingisda at mga katutubong naninirahan dito.
  • Landfills na lumalason sa lupa at mga anyong-tubig ng Sierra Madre lalo na sa bahaging Bulacan.
  • Patuloy na pagwasak sa Marikina Watershed sa kabila ng naranasang trahedyang Ondoy noong Setyembre 26, 2009.
  • At ang lubos na pinapangambahang planong itatayong mga dams sa Rizal, Quezon at Laguna - pangunahin dito ang New Centennial Water Source Project na bubuuin ng Kaliwa Dam (Pagsangahan, Gen. Nakar, Quezon) na aprubado na ng Pangulong Aquino at Laiban Dam (Tanay, Rizal at Gen. Nakar, Quezon); gayundin ang muling pagbuhay ng proyektong Kanan Dam at dagdag pang pinaplanong itatayong Agos Dam at Sumag Diversion Project (lahat ng ito sa Gen. Nakar, Quezon) at ang Sierra Madre Water Corp. Multi-River Hydropower cum Bulk-Water Project  na kukuha ng tubig sa mga ilog ng bayan ng Real, Quezon at mga bayan ng Pangil, Pakil at Paete, Laguna. Lahat ng mga dam na ito ay planong itayo para magpadaloy ng karagdagang tubig sa Kalakhang Maynila.
 
This website was created for free with Own-Free-Website.com. Would you also like to have your own website?
Sign up for free