Panalangin Para sa Sierra Madre Day
Dakilang Lumikha ng Inang Kalikasan, sa aming paggunita sa mga pinsala ng bagyong Ondoy, nais po naming ialay sa Inyo ang araw na ito bilang Araw ng Pagtatanggol sa Sierra Madre.
Una sa lahat, nagpapasalamat kami sa kanyang taglay na mga pinagkukunang-yaman at sa buhay na sa ami’y patuloy niyang iniaalay.Ipinunla po Ninyo sa aming katutubong isipan na ang Sierra Madre ay isang Ina na kumakalinga sa amin at sa lahat ng anyo ng buhay. Subalit sa pag-unlad ng aming kaalaman, nabago ang aming pananaw na sa kalikasan nakaugat ang aming buhay at nasilaw sa salapi at marangyang kabuhayan.
Kaya naman ngayon ay walang pakundangan ang pagputol ng mga kahoy sa kagubatan at pagsipsip at pagmimina ng mga mineral. Sa ngalan ng kaunlaran, karapatan, kultura at dangal ng mga katutubo ay di ginagalang.
Patawarin po Ninyo kami, Bathala sa aming mga pagkukulang at pagwawalang bahala.
Sa araw pong ito – Araw ng Pagtatanggol sa Sierra Madre, gabayan Nyo po kami kung paano namin panunumbalikin ang ganda ng mga kabundukan at kagubatan at tulungang Nyo po kaming magkaisang manindigan sa pagtatanggol at pangangalaga sa Sierra Madre at sa buong SangKalikasan.
San Francisco ng Asisi, pintakasi ng Kalikasan, ipanalangin mo kami.