Save Sierra Madre Network Alliance Inc.

Pagpapahayag ng Pagiging Kaisa ng Buong Sangkalikasan

Kaisa kami ng buong Sangkalikasan
sa pagdadala ng bagong buhay sa mga kalupaan
sa pagpapanumbalik ng ganda ng mga anyong tubig
sa muling pagpapanariwa ng hangin

Kaisa kami ng buong Sangkalikasan
sa pagpapanibago ng mga kagubatan
sa pangangalaga sa mga puno at halaman
sa pagtatangol sa buhay ng bawat nilalang

Kaisa kami ng buong Sangkalikasan
sa pagdiriwang ng mga karagatan
sa pakikigalak sa liwanag ng araw
sa pag-awit ng himig ng mga bituing tanglaw
Kaisa kami ng buong Sangkalikasan
sa muling paglilikha ng mga Sambayanan
ng pag-ibig at sandiwaan
sa pagsulong ng katarungan at kapayapaan
sa pagkalinga sa mga kabataan

Kaisa kami ng buong Sangkalikasan
Nagkakaisa tayo ngayon, kasama ang buong Sankalikasan,
sa paghabi ng samu’t saring pagpapahayag
ng iisang hiwaga ng pag-ibig;
para sa ikagagaling ng mga sugat
ng ating nag-iisang tahanang planeta
at sa pagpapanumbalik at pagpapadaloy
ng buhay na ganap at kaaya-ayasa buong Sangnilikha.

Pagpalain nawa ng Diyos na Maylikha
ang ating pag-iisang puso at diwa.

(Elizabeth Carranza)


This website was created for free with Own-Free-Website.com. Would you also like to have your own website?
Sign up for free