Save Sierra Madre Network Alliance Inc.

Open Letters: 2012 -2013 (by Elizabeth Carranza, current Chairperson)

AN OPEN LETTER OF APPEAL TO PRESIDENT BENIGNO SIMEON C. AQUINO III 

December 7, 2012

Dear President Aquino,

I was teary-eyed last night when I saw on TV the suffering and death that typhoon Pablo brought to Compostela Valley and again at this moment that am writing this letter to you after reading the Philippine Daily Inquirer.

It is Advent season again and people are supposed to be waiting in hope and joy for the coming of Christmas - the day the whole world celebrates the coming and birth of our Savior Jesus Christ. And yet, as you have said, “It is sad to think that some of our countrymen will be spending Christmas not around a table filled with food for noche buena but in evacuation centers with other families who had to flee their homes.” Indeed, Mr. President, it is very sad…and this is not the first such sad Christmas for many of our countrymen (and women!). It was the same last year as it was in 2004 which I myself experienced in Real, Quezon after that November 29, 2004 devastating flashflood!

The world continues to celebrate Advent year after year…waiting in hope for the fullness of God’s reign promised by the coming of Jesus as Emmanuel, God-with-us. Our waiting is supposed to be in gladness. But for many of us, Advent has become a season of waiting in tears and sadness due to the many disasters that our country has been experiencing during this season.

The many sad Advent and Christmas seasons for many of our brothers and sisters, whose lives have been devastated by typhoons like Pablo and are waiting in the evacuation centers for the coming of relief goods and other forms of help and care, must stir our hearts to deep listening. The cries of the victims of typhoon Pablo and other previous typhoons are also the very cry of our degraded mountains and forests; the very cry of Mother Earth. As Pablo’s victims are waiting for help and care in the evacuation centers, our devastated and dying brother-mountains and sister-forests are also waiting for help and care; our wounded Mother Earth is also waiting for help and care.

Mr. President, let us not be blinded that Compostela disaster and the like are only due to the strong typhoons, heavy rainfall or habagat. It is very obvious…our mountains and forests have been denuded. PDI in one of its articles today states, “ “On its Wikipedea page, New Bataan is described as a first class town in Compostela Valley surrounded by mountain ranges that keep the place away from coming typhoons.” Clearly that is no longer the case.”

It is also no longer the case for the Sierra Madre mountain ranges which is called ‘the backbone of Luzon’ for the protection it used to give the entire Luzon from typhoons coming from the Pacific.  Sierra Madre has also been vastly degraded and this had been pointed out to you for several instances by the Save Sierra Madre Network Alliance Inc., (SSMNA) especially when we asked from your good office to declare September 26 of every year as Save Sierra Madre Day which you did through your Presidential Proclamation No. 413 and which we remain forever grateful for.

As the new chairperson of SSMNA, I feel like a David facing a Goliath. Yet, in the spirit of Advent, I come to you in hope. I appeal to your goodness: Please do not only let your proclamation of Save Sierra Madre Day remain just on paper and in the celebration of it every September 26. Let it be an every day desire in your heart to lead the Filipino people to Save Sierra Madre and the entire Philippine forests which as statistics show have drastically declined from 70% of our the country’s total land area in 1900 to less than 10% now, 3-6% if I am not mistaken. I strongly believe and I know many agree with me, it is the continuous devastation of our mountains and forests through logging and mining activities why the flashfloods in Northern Quezon and Aurora, of the Ondoy and habagat, the Pedring and Quiel, and the Sendong and Pablo disasters. Even the DENR Secretary Ramon Paje himself admits as it is written in PDI today that Pablo’s devastation was also the effect of illegal mining and logging.

Mr. President, I would like to note also that Secretary Paje has been quoted in PDI saying “This (devastation) is now proving that a total log ban is right. Several quarters are criticizing the declaration of a total log ban but look at what happened. It is now proving that we really must stop timber harvesting especially in our natural forests.”

The SSMNA could be one of the several quarters that Paje was pointing at in his statement. If so, I admit that we do criticize your Executive Order No. 23 - not your declaration of a total log ban itself which we are very much in favor of but its implementation. SSMNA knows from the ground that despite your EO, logging be it illegal or legal continues. Isn’t it the role of the DENR Secretary to see to it that your EO is properly and seriously implemented? How come logging seems to be unstoppable! Yes, logs here and there are being confiscated. But are the loggers caught and put to jail? I haven’t heard of any! Is that just what DENR does to implement your EO 23…to go only after the logs and not the loggers? Now, the agency is handing over the central control of the anti-illegal logging operations to the military. Will this strategy compensate for its ineffectivity? We don’t think so. As Dr. Nina Galang, President of Green Convergence to which I am also a member of the Board of Trustees representing SSMNA as one of its member organization, “The conversion of the civilian- to a military- led task force might even further endanger the lives of environmentalists and indigenous communities for rightly or wrongly, some military personnel and units are implicated in some of the human rights and environmental violations in our country.”

 

The environmental secretary also blames small-scale mining in Compostela Valley to have caused Pablo’s devastation by saying, “The value of minerals the small-scale miners are getting does not compensate for the environmental destruction and danger it poses to their communities.” If that is so, then much more the value of minerals the large-scale miners are getting! How come many large-scale mining companies are still in operation in many parts of the country?

Justice Secretary Leila De Lima vowed last month that the government will identify and go after the “big fishes” behind illegal logging and illegal mining in the country. We hope this would really be done and these “big fishes” be put to jail and asked to pay the price for raping our mountains and forests and causing the death of many people.

You are appealing to youth organizations to make some sacrifices, say a little prayer and share provisions with the victims? That is great! In behalf of those young people to whom we owe a beautiful planet Home to live on, I am appealing to you to listen to the cry of Mother Earth, to listen to the cry of our suffering and dying mountains and forests. I appeal to you: Be serious in saving Sierra Madre and all our remaining forests in the country! Be serious in implementing a moratorium on both logging and mining! Remove the present DENR Secretary Ramon Paje and clean the agency from corrupt personnel who are in connivance with the big miners and loggers! Be serious in going after the “big fishes” behind logging and mining and putting them to jail!

The SSMNA launched a ‘Paglalakbay ng Krus ng Sierra Madre’ on April 6, Good Friday of this year. Although, we intended the Cross’ pilgrimage to end on September 26, Save Sierra Madre Day as per your Proclamation No. 413, the Cross continues to journey and visit parishes and schools upon request and is somehow becoming an ecological cross. It is now in San Sebastian College – Recolletos. SSMNA hopes that the Krus ng Sierra Madre would awaken in the hearts and minds of our Filipino people humanity’s true nature. That is, being God’s co-creators and stewards of the Earth and all life that resides it.

We especially get in touch with the Cross during the Holy Week, most deeply on Good Friday. The Krus ng Sierra Madre is reaching out to you, as it just in your neighborhood, during this Advent season when the victims of the very recent disaster are experiencing the cross of sadness, suffering and death of loved ones. The Krus ng Sierra Madre is a sign of hope, as Cardinal Tagle reiterated in his statement to the people of his Archdiocese when the Krus was there in July. Indeed, for us Christians, the Cross is a sign of hope. Jesus’ death on the Cross became the gateway to the Resurrection…to new life.           

May the Krus ng Sierra Madre inspire and strengthen you to take that radical action of giving justice to the victims of disasters due to the devastation of our mountains and forests by giving justice to our brother-mountains and sister-forests in the country. May you be a sign of hope and a channel of new life for our beloved country.

A blessed and meaningful Advent! May Jesus, the Emmanuel, the God-with-us, be your light and your guide in bringing your fellow leaders and the entire Filipino people to the “matuwid na daan.”

Truly yours,

ELIZABETH C. CARRANZA
Chairperson
Save Sierra Madre Network Alliance Inc.


 

BUKAS NA LIHAM PARA KAY PANGULONG BENIGNO SIMEON C. AQUINO III

Pebrero 23, 2013

Pangulong Aquino,

“Walang matuwid na daan sa APECO!”

Iyan ang isinigaw ng grupong nag-martsa mula sa Casiguran, Aurora papunta sa Kamaynilaan noong nakaraang panahon ng Adbyento upang ipaabot sa inyo ang kanilang pagtutol sa Batas (Proyektong) APECO. Iyan din ang aking isinisigaw sa sulat kong ito sa’yo ngayong panahon ng Kwaresma, sa ngalan ng Krus ng Sierra Madre at ng Save Sierra Madre Network Alliance Inc. (SSMNA).

Hayaan ninyong isalaysay ko sainyo ang mga sumusunod na pangyayari: Tumawag sa akin si Fr. Joefran Talaban, kura-paroko ng Parokya ng Nuestra Senora dela Salvacion sa Barangay Bianuan, Casiguran, Aurora at miyembro rin ng Board ng SSMNA, noong nakaraang Linggo, Pebrero 17 upang i-report ang illegal na pamumutol ng mga puno sa Bundok ng Calabgan at Dibet na kanya mismong nasaksihan nang kasama niyang umakyat sa nasabing Bundok sina Edwin Garcia, Rey Alcantara, Pedro Calivara, Diogenes Toledo at Antonio Angara, mga kasapi ng samahang PIGLASCA o Pinag-isang Lakas ng mga Samahan sa Casiguran. Ibinigay ko kay Fr. Joefran ang cellphone number ni PENRO Lucena Mercado upang agad niyang maireport din ito sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan na pangunahing may responsibilidad sa mga ganitong isyu. Tumugon naman agad si PENRO Mercado at nagpadala ng Team kinabukasan, Pebrero 18, na mag-iimbestiga sa naireport na illegal logging. Kasama ng team na umakyat ng Bundok ang Philippine Army, ang MENRO, PAMB, mga kinatawan ng Simbahan at ilang kasapi ng PIGLASCA.  

Bilang tugon naman ng SSMNA, tatlo kami mula sa samahan (ako, si Fr. Pete Montallana, OFM at Bro. Benedict Joseph Baldevia, BSMP) ang tumungong Bianuan upang aktwal na makita ang pagkawasak ng kabundukan sa bahaging ito ng Aurora. Nakatakda sana kaming umakyat ng Bundok ng Calabgan at Dibet noong Huwebes, Pebrero 21, ngunit dahil sa tindi ng ulan ay hindi kami natuloy. Ibinigay na lamang sa akin ng PIGLASCA ang mga nakuha nilang larawan noong Pebrero 17 at 18 at  iniabot din sa akin ni Fr. Joefran ang kanyang sinumpaang salaysay gayundin ang mga salaysay ng iba pang nakasaksi sa nasabing illegal na gawain.

Narito po ang buod ng mga datus halaw sa mga nasabing sinumpaang salaysay na kasalukuyang hawak na ng opisina ng Save Sierra Madre Network Alliance Inc:

1.   Pebrero 15, 2013, humigit kumulang 7 ng umaga ay nabalitaan ni Pedro Calivara ng Barangay Esteves, Casiguran na merong nahuling mga kahoy ang mga army sa loob ng compound ng barangay hall kung saan nakadeploy ang mga sundalo ng 48IB. Pumunta siya sa barangay hall para siguraduhin ang narinig niyang balita at nakita niya doon ang 13 kahoy na mga lawaan. Kasama si Pio Tresvalles, kinausap nila ang team leader ng mga sundalo na si Sarhento Ramirez. Inamin sa kanila ng sarhento na maraming beses na nilang nakita ang mga dumadaan na may dalang mga kahoy ngunit maraming beses din nilang pinagbigyan dahil sabi ng mga nagdadala ay gagamitin lamang sa kanilang sariling pambahay. Ngunit noong Pebrero 15, kanila na itong hinuli at napag-alamang dinadala pala ang mga kahoy sa APECO site. Ayon sa sarhento, isang nagngangalang Jun Ibasco ang itinuturo ng mga nahulihan nila ng kahoy na siyang nagdadala ng mga ito sa APECO site. Ayon pa rin sa sarhento, pinagsabihan nila ang mga nagdadala ng kahoy na kapag wala silang naipakitang permit sila ay huhulihin at kukumpiskahin ang mga kahoy at iti-turn over sa DENR. Sa pagbabalik nina Pedro Calivara at Pio Tresvalles sa barangay hall kinabukasan, Pebrero 16, wala na doon ang mga kahoy at kinagabihan ay nag-pull-out na rin ang mga sundalong nakabase sa nasabing barangay hall.

2.  Pebrero 17, 2013, isinumbong ni Diogenes Toledo kay Fr. Joefran ang illegal na pagpuputol ng mga kahoy sa Bundok Calabgan at Dibet. Agad na umakyat ng Bundok si Fr. Joefran kasama sina Edwin Garcia, Rey Alcantara, Pedro Calivara, Diogenes Toledo at Antonio Angara. Sa kanilang pag-akyat nakita nila ang humigit kumulang 100 na malalaking punong naputol na. Ang mga ito ay pula at puting lawaan. Nakarinig din sila ng umuugong na chainsaw kaya’t hinanap nila ang pinagmumulan nito at nahuli nila sa akto ang mga humihila ng mga tabla sa kabilang Bundok ng Balagbag at inilalagay ito sa hilahan ng kalabaw. Ayon sa nahuli nilang naglalagay ng mga tabla sa hilahan ng kalabaw na kilala nila sa tawag na Tapar, ang may-ari raw ng mga kahoy ay si G. Toping Cabrera. Sinabi naman ni G. Cabrera sa grupo na dinadala nila ito at binebenta sa APECO sa halagang P15.00/boardfeet at si Jun Ibasco ang kanilang tagapamagitan sa pagbebenta ng mga ito sa APECO. Kinagabihan, mga bandang 7:30 ay nahuli din ng ilang kasapi ng PIGLASCA ang mga nagsasakay ng mga tabla sa karitela sa Purok 4, Barangay Bianuan, Casiguran, Aurora at napag-alaman nila sa mga nagsasakay ng kahoy na ang mga ito ay dadalhin sa APECO site at ang nagmamay-ari nito ay si G. Campansana. Ipinaalam agad nila ito sa mga pulis na agad naman nagresponde sa pangunguna ni PO1 Paul Tindugan subalit nang dumating sila ay naipasok na sa bakuran ng may-ari ang mga kahoy.

3.   Pebrero 18, 2013, umakyat sa Bundok ng Calabgan ang mga kinatawan mula sa DENR, Philippine Army, PAMB, Simbahan at PIGLASCA at nakita ng grupo ang mga pinutol na puno.

Kahapon, Pebrero 22, kinontak ko si PENRO Mercado at itinanong ko sa kanya kung ilan ang na-scale na mga kahoy ng team na nag-imbestiga ng kasong ito. Ito po ang kanyang mga kasagutan:

“This came from our team leader, based sa projections from the stumps: Gudpm po! C ronnel po 2 summary report 48pcs equivalent volume 145.09 cu.m.”

“As of now, wala pang official report kaya I can’t email you a copy pa. Pero based sa txt sken, yun 48 pcs ay stumps na ng nputulan na puno. Yun ang basis nila na ngproject ng volume…”

Ini-check ko po ito kay Fr. Joefran dahil ayon sa kanilang grupo na umakyat noong Pebrero 17 ay humigit kumulang 100pcs ang nakita nila. Ayon sa kanya, kasama rin siya pag-akyat sa bundok noong Pebrero 18 at hindi nila naikot lahat ang naikot nila noong Pebrero 17 kaya nasa 48pcs lamang ang nabilang ng kinatawan ng DENR.

Base po sa mga datus na ito, Pangulong Aquino, malinaw po na walang daang matuwid sa APECO; malinaw ang paglabag nito sainyong Executive Order No. 23 at malinaw ang ginagawang pagwasak nito sa kabundukan ng Casiguran.

Ang kasong ito ay isa lamang sa mga patunay na natatanggap namin mula sa aming mga kasapi sa SSMNA na hindi totoong maigi ang implementasyon at hindi seryosong naipapatupad ang inyong EO 23 gaya nang iniulat sa Kamayan Forum ng Green Convergence noong nakaraang Enero 18 nina Forest Management Bureau Director Ricardo Calderon at DENR USEC for Field Operations Demetrio Ignacio.

Sa pamamagitan ng sulat na ito, pinapaalala din pong muli sainyo ang Save Sierra Madre Network Alliance Inc. ang pagdeklara ninyo ng September 26, taun-taon, sainyong Presidential Proclamation No. 413 bilang Save Sierra Madre Day na hindi naming makakalimutan at walang hanggan naming pinasasalamatan. Sana po panindigan ninyo ang Proklamasyon ninyong ito.

Maglalakbay pong muli ang Krus ng Sierra Madre ngayong taon. Marahil magsisimula ito sa darating na Abril. Nawa sa panahong ito ng Kwaresma ay mapagnilayan ninyo ang pag-asang hatid ng Krus ni Hesus na naging daan ng panibagong buhay para sa Sanlibutan. Nawa’y ang Krus ng Sierra Madre at ang Krus ni Hesus ay magsilbing inspirasyon sainyo upang tunay na ihatid ang Sambayanang Pilipino sa “matuwid na daan.” Nawa’y ang Liwanag ni Kristo ang inyong maging gabay upang kayo ay maging daluyan ng katarungan at paghilom ng mga sugat ng ating Inang Kalikasan lalo’t higit ng Kabundukan ng Sierra Madre!                                          

Maraming salamat po sainyong pagbibigay ng panahon at atensyon sa liham na ito. Pagpalain kayo ng Dakilang Lumikha.

Para sa Save Sierra Madre Network Alliance Inc.,

ELIZABETH C. CARRANZA
Chairperson, SSMNA



BUKAS NA LIHAM PARA KAY PANGULONG BENIGNO SIMEON C. AQUINO III


Hunyo 22, 2013


Pangulong Aquino,

Kapayapaan mula sa puso ng Inang Kalikasan at sa puso ng Dakilang Maylikha!

Sa nalalapit ninyong ikaapat na SONA at sa pagtatapos ng ating Pagdiriwang ng World Environment Month, dumudulog ang Save Sierra Madre Network Alliance Inc. (SSMNA) sainyong likas na pagiging kamanlilikha ng Dakilang Maylikha at katiwala ng buhay ng Sangkalikasan na inyong bigyang diin ang tunay na pagpapahalaga at pangangalaga sa ating Inang Kalikasan.

Ang araw na ito, Hunyo 22, ay mahalagang araw sa kasaysayan ng Inang Kalikasan. Sa araw na ito nagtapos ang ikalawang Earth Summit o Rio+20 na ginanap noong Hunyo 20-22, 2012 sa Rio de Janeiro, Brazil kung saan ginanap din ang unang Earth Summit noong Hunyo 3-14, 1992 na siya ring UN Conference on Environment and Development. Ang ikalawang Earth Summit na ito ay siya namang UN Conference on Sustainable Development. Muling pinag-usapan at mas higit na tinutukan ang Sustenableng Kaunlaran sa ikalawang Earth Summit na ito.

Alam kong hindi po lingid sa inyo na ang pagiging sustenable o sustainability ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kakayahan ng kasalukuyang henerasyon na matugunan ang kanilang mga pangangailangan na hindi naisasaalintana o nababalewala ang kakayahan ding matugunan ng mga susunod na henerasyon ang kanilang mga pangangailangan. Samakatuwid po ang sustenableng kaunlaran ay kaunlarang isinasaalang-alang ang buhay ng mga susunod na henerasyon na nakadepende sa pananatili ng buhay ng Sangkalikasan na pinag-uugatan ng buhay ng sangkatauhan.

Sa unang Earth Summit noong 1992, may isang batang babaeng nagngangalang Severn Suzuki mula sa bansang Canada ang nagsalita at nagbigay ng napakalakas na mensahe ng kanyang henerasyon sa buong mundo. Hayaan ninyong ibahagi ko sainyo ang nais niyang ipaabot na mensahe sa mga nakatatanda, lalo na sa mga namumuno ng bansa, kagaya ninyo…

  • Nandito ako para himukin kayong baguhin ang inyong mga pamamaraan.
  • Nandito ako para ipaglaban ang aking kinabukasan.
  • Nandito ako upang magsalita para sa lahat ng henerasyon pang darating, para sa mga nagugutom na mga bata, para sa maraming hayop na nakikitil ang buhay.
  • Natatakot na akong maglaro sa ilalim ng araw, na huminga ng hangin.
  • Nangangarap ako ng isang puspos na buhay ngunit sa kasalukuyan maraming may buhay (mga hayop at mga halaman) ang nawawala na ang lahi sa mundo.
  • Naging alalahanin nyo ba ang mga ito noong kayo ay kasimbata ko pa?
  • Bata pa ako at hindi ko alam ayusin ang mga suliraning ito, ngunit kayo rin…hindi rin ninyo alam ayusin ang mga ito…walang sinuman sa atin ang makababalik pa sa mga buhay na nawala, sa nasirang kalikasan.
  • Kung hindi ninyo alam kung pano panumbalikin ang ganda ng kalikasan, tigilan nyo na ang paninira nito!
  • Kayo din ay naging mga bata, anak ng inyong mga magulang, lahat tayo ay bahagi ng isang pamilya, lahat tayo ay magkakapamilya, lahat tayo ay nakakaranas ng mga suliraning ito, kumilos tayo bilang isang mundo na may isang layunin lamang.
  • Sa aking bansa, sobra sobra ang karangyaan…bili, tapon, bili, tapon; marami sa ating mga bansa na may sobra sobrang pag-aari ngunit hindi tayo marunong magbahagi kung ano ang ating meron.
  • May isang mahirap na bata akong nakasalamuha sa pag-iikot ko dito sa Brazil, sabi nya…sana mayaman ako. Kung sakali, bibigyan ko ang lahat ng pagkain, ng gamot, ng tirahan, ng pagmamahal at pagkalinga.
  • Tayong mga tumatamasa ng yaman at natutugunan ang lahat ng pangangailangan, napakaganid natin, ayaw nating magbahagi, ayaw nating pakawalan ang mga bagay na meron tayo.
  • Sa paaralan, itinuturo ninyo sa amin, kahit sa kindergarten pa lamang kung paano magbehave sa mundo – huwag makipag-away, ayusin ang mga di pinagkakasunduan, igalang ang iba, linisin ang sariling kalat, huwag saktan ang ibang nilalang, magbahagi at huwag maging ganid, bakit nyo ginagawa ang mga bagay na itinuturo ninyo sa aming huwag gawin?!
  • Kayong mga magulang sinasabi nyo sa amin, huwag kayong mangamba, maging maayos ang lahat, hindi pa katapusan ng mundo, ginagawa namin ang lahat para sainyo. Palagay ko hindi nyo na maaaring sabihin yan sa amin. Kaming mga kabataan ba ay nasa listahan ng mga pangunahing nais ninyo pagtuunan ng pansin?
  • Sinasabi ng aking ama, ikaw ay kung ano ang ginagawa mo at di kung ano ang sinasabi mo. Ang mga ginagawa ninyo ay nagpapaiyak sa akin sa gabi. Hinahamon ko kayo, gawin ninyong salamin ng inyong mga sinasabi ang inyong mga ginagawa!

Sa konteksto ng mensaheng ito ni Severn Suzuki, nais po kitang tanungin, ano po ba ang ginagawa ninyo bilang aming Pangulo? Alalahanin ba ninyo sa inyong mga ginagawa at nais gawin para sa ating bayan ang mga susunod na henerasyon? Alalahanin ba ninyo sa inyong pambansang agenda ang pagpapanatili ng mga natitira pang magagandang bahagi ng kalikasan sa ating bansa kung saan nakasalalay ang buhay ng mga susunod na henerasyon?

Nakakalungkot isiping tila wala ang mga nasambit ko sa inyong alalahanin dahil kung nasa alalahanin ninyo ang mga ito, bakit po patuloy pa rin ang mga gawaing sumisira sa ating mga likas-yaman lalo na sa ating mga kabundukan at kagubatan?  Bakit po patuloy pa rin ang pagtotroso at pagkakalbo ng ating mga nalalabing kagubatan sa kabila ng inyong pinalabas na EO 23? Noon lamang Hunyo 12, pagdiriwang pa man din ng Araw ng Kalayaan ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Fr. Joefran Talaban, kura-paroko ng Parokya ng Nuestra Senora dela Salvacion sa Barangay Bianoan, Casiguran, Aurora at miyembro rin ng Board ng SSMNA patungkol sa isa na namang logging incident sa Barangay San Ildefonso, Casiguran na sakop pa ng kanyang parokya.

Kailan kaya ang Araw ng Kalayaan para sa Inang Kagubatan na siyang naghahandog sa atin ng malinis na tubig at hinihingang hangin at siya ring nagpoprotekta sana sa atin laban sa mga pagbaha na sumisisra sa maraming imprasraktura at higit sa lahat, kumikitil ng maraming buhay? Kailan magiging malaya ang Inang Kagubatan mula sa mga mapanirang gawain ng mga ganid na iilan na tanging sariling pagpapayaman lamang ang nasa isipan at di inaalintana ang buhay ng mas nakararami? Anong puwersa meron ang mga panukala sa inyong EO 23 kung hindi naman nito nabibigyang proteksyon ang ating ilan na lamang porsyentong kagubatan?

Nitong mga nakalipas na linggo ay sunud-sunod na naman ang pagbaha sa maraming bahagi ng bansa lalong lalo na dito sa Kalakhang Maynila. Nakakapangambang maulit na naman ang mga trahedyang dala ng Ondoy noong 2009 at ang Habagat noong nakaraang taon. Ito ba ang ninanais ng inyong administrasyon – ang paulit-ulit na pagbubuwis ng buhay ng mga Pilipino dahil sa patuloy na pagkawasak ng ating mga kagubatan?

Wala po kayong gasinong nabanggit sa inyong ikatlong SONA hinggil sa pagkalinga at pagpuprotekta sa ating Inang Kalikasan lalo na sa ating Inang Kagubatan maliban sa pagbibida ninyo ng 128,558 ektaryang kagubatang naitanim sa buong bansa na sinabi ninyong bahagi lang ng kabuuang 1.5 million na ektaryang matatamnan bago kayo bumaba sa puwesto” at mga bagong punla sa nursery kung saan sabi ninyo ay 335,078 nang mga Pilipino ang nakakakuha ng kabuhayan mula ditto.

Binanggit n’yo ang mga ibinibigay ng pribadong sektor na espesyal na binhi ng kape at cacao sa mga komunidad na itinatanim sa lilim ng mga puno na habang nakatayo ay hihigop ng baha at iiwas sa atin sa pinsala. At ang sabi n’yo po hinggil sa programang ito ay “Panalo po ang mga komunidad na may dagdag kita, panalo ang pribadong sektor, panalo pa ang susunod na salinlahing makikinabang sa matatayog na puno.”

Ito nga po bang programang ito ay tunay na nagpapanalo sa mga maliliit at mahihirap na komunidad at tunay na pakikinabangan ng mga susunod na salinlahi o mas higit na ikinapapanalo lamang ng pribadong sektor? At ang mga sinasabi po ba ninyong espesyal na mga binhing ito ng kape at cacao ay mga katutubo po ba sa ating bansa o mga binhing exotic at makakasira lamang sa ecosystem ng ating bansa at kung gayon ay di makakalikasan?

Noong nakaraang Huwebes, Hunyo 20, may nagpaabot po sa amin na isang concerned citizen na isa ring guro sa University of Santo Tomas na tungkol sa ayon sa kanya ay isang irresponsible statement ninyo na narinig niya sa 24 Oras na: “Ang dahilan ng mga pagbaha ay ang Sierra Madre.” Hindi niya po maalintana kung inilalagay ba ninyo ang sisi sa Sierra Madre? Hindi ko po mismo narinig ang inyong pahayag pero sa aking palagay, marahil ay ang tinutukoy ninyong dahilan ay ang pagiging kalbo na ng Sierra Madre. Kung ito po ang inyong tinutukoy sainyong pahayag, nais ko pong ipaalala sainyo ang inyong Proklamasyon Blg. 413 noong nakaraang taon, bilang inyong tugon sa kahilingan ng Save Sierra Madre Network Alliance Inc., na nagdeklara ng Setyembre 26 taun-taon bilang Save Sierra Madre Day. Nawa po ito ay huwag manatiling isang kasulatan lamang.  

Ibinida nyo rin po sa inyong ikatlong SONA ang EO 23 bilang solusyon sa illegal logging. At naaalaala ko ang sinabi ninyong noon, “Matagal na pong problema ang illegal logging. Mula nga po nang lumapag ang EO 23, nakasabat na si Mayor Jun Amante ng mahigit anim na milyong pisong halaga ng troso. Nagpapasalamat tayo sa kanya. Sa Butuan pa lang ito; paano pa kung magpapakita ng ganitong political will ang lahat ng LGU?

Nagkaroon nga ba ng political will ang maraming LGU dahil sa pagpapatupad ninyo ng inyong EO 23?

Ito rin po ang iba pa ninyong ibinida: “Ang mga trosong nakukumpiska ng DENR, lalapag sa mga komunidad na naturuan na ng TESDA ng pagkakarpintero. Ang resulta: upuan para sa mga pampublikong paaralan na hawak naman ng DepEd. Isipin po ninyo: ang dating pinagmumulan ng pinsala, ngayon, tulay na para sa mas mabuting kinabukasan. Dati, imposible nga ito: Imposible kung nagbubulag-bulagan ang pamahalaan sa ilegal na gawain.”

At inyo pang idinagdag: “Kaya kayong mga walang konsensya; kayong mga paulit-ulit isinusugal ang buhay ng kapwa Pilipino: maghanda na kayo. Tapos na ang maliligayang araw po ninyo. Sinampolan na natin ang tatlumpu’t apat na kawani ng DENR, isang PNP provincial director, at pitong chief of police. Pinagpapaliwanag na rin po natin ang isang Regional Director ng PNP na nagbingi-bingihan sa aking utos at nagbulag-bulagan sa mga dambuhalang trosong dumaan sa kanilang tanawin. Kung hindi kayo umayos, isusunod namin kayo. Magkubli man kayo sa ilalim ng inyong mga padrino, aabutan namin kayo. Isasama na rin namin ang mga padrino ninyo. Kaya bago pa magkasalubong ang ating landas ako po’y muling makikiusap, mas maganda sigurong tumino na kayo.”

May naidagdag po ba kayo sa mga sinampolan ninyong mga kawani ng DENR at PNP at may nahuli na rin po ba kayo sa tinatawag ninyong kanilang mga padrino? Bakit po patuloy pa ring nakatatanggap ang SSMNA ng mga ulat ng illegal logging incidents at sa dami ng mga nakukumpiskang troso ay wala naman po kaming naririnig na mayroon nang nahuli kasabay ng mga nakukumpiskang troso na malalaking taong nasa likod nito? Yan din po ang pangako ni Justice Secretary Leila De Lima base sa isang news article sa Philippine Daily Inquirer, November 12, 2012:


“Justice Secretary Leila De Lima on Monday vowed that the government will identify and go after the   'big fishes' behind illegal logging and illegal mining in the country now that it has renewed its campaign against the two illegal activities.”

Dumalo po ako noong nakaraang budget hearing ng DENR at nakakalungkot na napakaliit ng nakalaang budget para sa forest protection kumpara sa national greening program. Ano po ang saysay ng napakaraming itatanim na mga seedlings kung hindi naman po napuprotektahan ang mga natitira pang malalaking puno sa ating mga nalalabing kagubatan? Ilang taon pa ang kakailanganin upang ang ecological value ng malalaki nang pinagpuputol na puno sa ating mga nalalabing kagubatan ay matumbasan ng mga itinatanim na seedlings sa ilalim ng national greening program? Bakit po hindi magawang tunay na tutukan ng inyong administrasyon ang forest protection?

Kagaya po ng nabanggit na sa artikulo hinggil sa pangako ni Justice De Lima, bukod sa talamak na pagtotroso ay napakatalamak pa rin ng pagmimina at pagku-quarry ng ating mga kabundukan maging mga tabing-karagatan. Kung pangunahin po sa inyong alalahanin ang kinabukasan ng mga kabataan pati na ang mga susunod na salinlahi bakit hinahayaan ninyong ubusin ang ating mga likas na yamang mineral ng mga pribadong sektor at ng mga dayuhan? Nakakalungkot po ang kamakailan lamang na pag-lift ng moratorium sa pagtanggap ng mga panibagong mining applications. Para ba sa isang tunay at sustenableng kaunlaran ang ginawang aksyon na ito ng DENR na inyo rin pong binasbasan? Grabeng pagkawasak at kasiraan ng kalikasan ang dulot ng napakahaba nang kasaysayan ng pagmimina sa ating bansa.

Isa rin po sa nakakabahalang usapin ngayon na tinututukan hindi lamang ng SSMNA, kundi ng marami pang makakalikasan at makataong grupo at indibidwal ay ang mga itatayong dams sa ilalim ng New Centennial Water Source Supply Project na bahagi ng inyong Public-Private Partnership Program. Inilalakip ko po ang Pinagkaisahang Pahayag ng mga kapatid nating katutubo na dumalo sa Malawakang Pulong ng mga Katutubo (IP Summit) Hinggil sa mga Tubig-Kanlungan ng Kaliwa-Kanan at Ilog Agos noong April 22-23, 2013 sa Infanta, Quezon, kaalinsabay ng Pagdiriwang ng Earth Day. Inorganisa po ang IP Summit na ito ng SSMNA kung kaya’t gabay at kaisa kami ng mga katutubo sa kanilang pagbubuo ng Pinagkaisahang Pahayag na ito. Samakatuwid, ang kanilang posisyon sa isyung ito ay siya ring posisyon ng SSMNA.

Ang isyu po ng mga malalaking dams na ito ay pangunahin para sa mga katutubo dahil ang mga pagtatayuan nito ay sakop ng kanilang mga lupaing ninuno. Nais ko pong ipaalala rin sainyo ang inyong winika nang ipinagdiwang natin ang Araw ng ating Kasarinlan o Kalayaan nitong nakaraang Hunyo 12: “Ang ninanais lang naman natin ay ang igalang ang ating kasarinlan, karapatan at pagkatao.”

Yan din po ang daing ng mga kapatid nating katutubo, ang igalang ninyo ang kanilang kasarinlan bilang mga katutubo, ang kanilang karapatan sa kanilang mga lupaing ninuno at ang kanilang pagkatao na nakaugat sa kalikasan at sa isang kulturang makakalikasan.

Ang isyu ng dam ay hindi lamang isyu ng mga katutubo. Hindi mapaghihiwalay ang isyu ng katutubo sa isyung pangkalikasan. Sabi nga ni Commissioner Conchita Calzado ng NCIP, “Kapag ninyo sinira ang kalikasan at ang aming lupang tahanan para na ring kinitil ang buhay naming mga katutubo.” Dagdag pa rito, winika rin ng isang katutubong lider, “Kung sa inyong mga unat ay marahil marami ang nangangarap na makapunta sa ibang bansa ang inyong mga anak, ang tangi lang po naming pangarap para sa aming mga anak ay ang masilayan at matamasa pa nila sa kanilang buhay ang isang maganda at malinis kalikasan.”

Wala po akong anak at isa po ako sa mga tinutukoy niyang unat, subalit halimbawang mayroon akong mga anak, yan din po ang una kong papangarapin para sa kanila at yan din po ang pinapangarap ko sa lahat ng mga kabataan sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon…ang kanilang masilayan at matamasa pa sa kanilang buhay ang isang maganda at malinis na kalikasan. Alam ko pong kung magkakaroon man kayo ng anak ay papangarapin ninyo rin po ito para sa kanya at bilang po Ama ng Bayang Pilipinas, sana po ay ito ang maging pangunahing pangarap at alalahanin ninyo para sa mga batang Pilipino ngayon at sa mga susunod pang salinlahi…ang isang puspos na buhay na maibibigay lamang nating mas mga nakatatanda sa kanila sa pamamagitan ng ating pagkalinga at pagpapanatili ng buhay ng ating Inang Kalikasan.

Ang tunay na kaunlaran at sustenableng kaunlaran ay tumututok sa pagpapanatili ng buhay ng kabuuan…ng buong Sangkalikasan. Tayo ay bahagi ng kalikasan, tayo at ang lahat ng may buhay ay siyang bumubuo ng Sangkalikasan, tayo kasama ang lahat ng iba pang bahagi ng Sangkalikasan ay bumubuo ng isang komunidad ng buhay. Ang tunay na kaunlaran ay nagsusulong at nagpapanatili ng buhay hindi lamang ng komunidad ng sangkatauhan kundi ng buong komunidad ng lahat ng may buhay.

Tuwing Disyembre 10, ipinagdiriwang natin ang Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao. Huwag na lamang tayo tumutok sa karapatang pantao, igalang natin ang karapatan ng lahat ng may buhay. Pangalagaan natin ang buhay ng bawat may buhay. Sa pamamagitan nito mapupunan natin ang naging mga pagkukulang natin sa maraming lumipas na taon, ang maging tunay na daluyan ng buhay. Ito ang tunay na pagbabago! Ito ang tunay na tuwid na daan!

Ang Diyos ay Diyos na buhay at Diyos ng buhay, ang Diyos na lumikha ng lahat ng may buhay ay nananahan sa bawat isa sa atin kung kaya’t tayo ay likas na kagaya niya, kanyang kamanlilikha na nagmamahal sa buhay, kanyang katiwala ng buhay na inihandog niya sa buong Sangkalikasn. Yan ang totoong tayo, kamanlilikha at katiwala ng buhay, hindi maninira at mangwawasak ng buhay. Ang pagkawasak ng ating planeta ay di lamang krisis pang-ekolohikal. Ito rin ay krisi pang-espiritwal. Nakalimutan ng marami sa atin kung sino talaga tayo. Ikaw at ako, tayong lahat ay mga kamanlilikha at katiwala ng buhay. Magpakatotoo na tayo sa kung sino talaga tayo!

Yan po ang hamon ng Save Sierra Madre Network Alliance Inc. (SSMNA) na bigyan ninyo ng diin sainyong nalalapit na SONA!

Maraming salamat po sainyong pagbibigay ng panahon at atensyon sa liham na ito. Pagpalain kayo ng Dakilang Lumikha, ng Diyos ng Pag-ibig, Kapayapaan at Buhay.

Para sa Save Sierra Madre Network Alliance Inc.,

Elizabeth C. Carranza
Chairperson, SSMNA

cc:        Cardinal Luis Antonio Tagle, Archdiocese of Manila
             Sec. Ramon Paje, DENR
             media

 
This website was created for free with Own-Free-Website.com. Would you also like to have your own website?
Sign up for free