Save Sierra Madre Network Alliance Inc.

Panata sa Sierra Madre at sa Buong Sangkalikasan

Sa kritikal na kalagayan ngayon ng Sierra Madre at ng buongSangKalikasan, ang inaaasahan sa akin ay ang angkinin ang tungkulin hindi lamang bilang tagapangalaga ng mga karagatan, ng sangkalupaan at ng kalawakan, kasama ang lahat ng yaman ng mga ito, sa halip ay ang maging daan din ng  kagalingan ng kanyang mga sugat dulot ng kapabayaan ng sangkatauhan.

Kung paano tumatanggap ako ng mga biyaya mula sa  Sierra Madre at sa buong SangKalikasan, gayundink ailangan kong ibigay ang aking sarili upang mapanatili ang kanyang likas na yaman at kagandahan. Kung kaya’t iniaalay ko ang aking panata na isabuhay ang aking pagiging kaisa ng kalikasan sa pamamagitan ng pagiging tagabantay sa halip na tagagamit lamang ng kanyang likas na yaman, palagiang pangangalaga sa kanyang angking yaman tungo sa pag-unlad na hindi sumisira bagkus nagpapanatili ng kanyang kagandahan at kabanalan, pagiging laging mapagmalay na ang lahat ng aking ginagawa at di ginagawa ay nakakaapekto sa pagpapadaloy o pagkitil ng kanyang buhay.

Inaangkin ko ang pananagutan na buong-puso kong mamahalin, igagalang, pangangalagaan, ipagtatanggol at ilalaan ang lahat kong kakayahan sa ikagagaling ng mga sugat ng Inang Kalikasan, lalo na ng Sierra Madre at sa pagpapatuloy ng  pagdaloy ng kanyang buhay.

Iniaalay ko ang panata at pananagutang ito kay Inang Kalikasan, lalo na kay Siera Madre sa ngalan ng at para sa kapakanan ng lahat ng anyong buhay sa kanyang mga ilog at tubig kanlungan, kabundukan at kagubatan at para sa kapakanan ng mga susunod na salinlahi ng mamamayang Pilipino.

Kasihan nawa ako ng Diyos na Lumikha at nag-uugnay sa atin at sa lahat ng bagay.

 
This website was created for free with Own-Free-Website.com. Would you also like to have your own website?
Sign up for free