Save Sierra Madre Network Alliance Inc.

Mga Panawagan ng SSMNA

Alisin ang mga exemptions sa E.O 23 at mariing ipatupad ang mga probisyon nito. Gayundin, sinupin at makatarungang taasan ang pondo para sa Forest Protection at magkaroon ng mas makatotohanang programa sa pagpapanumbalik ng mga kagubatan kapalit ng walang kabuluhang National Greening Program na pinaglalaanan ng napakalaking pondo ng pamahalaan.

Isabatas na ngayong 16th Congress ang Forest Resources Bill (FRB)
na magbibigay diin sa protection hindi lamang ng mga primary forests kundi pati ng mga secondary forests at sa pangkabuuang restoration ng ating mga kagubatan at maayos at maigting itong ipatupad.

Magdeklara agad ng moratorium sa mining
at isabatas na rin ngayong 16th Congress ang Alternative Mineral Management Bill (AMMB) bilang kapalit sa kontra-kalikasang Mining Act of 1995 at maayos at maigting din itong ipatupad.

Kasama ng FRB at AMMB ay isabatas na rin ang National Land Use Act (NLUA).

Itigil ang Ilagan-Divilacan Road, ang APECO at ang mga mapanirang landfills.


Proteksyunan agad at magkaroon ng makatotohanang Blue Print sa pangangalaga ng Marikina Watershed. Sinupin at maayos na isakatuparan ang Upper Marikina Riverbasin Protected Landscape Management Plan.

Higit sa lahat, HUWAG ITULOY ang pagtatayo ng mga nabanggit na dams sa Rizal, Quezon at Laguna. Hindi mga dambuhalang dam ang tugon sa kakulangan ng tubig kundi mga programang makatotohanang magpapanumbalik at muling magpapalago ng mga kagubatan at mga tubig-kanlungan kasabay ang isang polisiyang maggigiit sa mamamayan ng responsableng paggamit at pagkukunserba ng tubig.
 
This website was created for free with Own-Free-Website.com. Would you also like to have your own website?
Sign up for free