Save Sierra Madre Network Alliance Inc.

Pinagkaisahang Pahayag ng Pagtutol ng mga Katutubo sa mga Itatayong Dam sa Sierra Madre

Kaming mga dumalo sa Malawakang Pagpupulong ng mga Katutubo mula sa Bulacan, Quezon at Rizal hinggil sa Tubig-Kanlungan ng Kaliwa-Kanan at Ilog Agos ngayong Abril 22-23, 2013 ay tahasang nagpapahayag ng pagtutol sa lahat ng mga proyektong makakasira sa mga likas na yaman ng tubig-kanlungan ng Kaliwa-Kanan at Ilog Agos, partikular sa itatayong mga dambuhalang dam sa kabundukan ng Sierra Madre na napapaloob sa  “New Centennial Water Supply Source Project” na ang pangunahing bahagi ay ang Laiban Dam sa ilalim ng Public-Private Partnership Program ng kasalukuyang Administrasyong Aquino; gayundin, sa Multi-River Hydropower cum Bulk Water Project ng Sierra Madre Water Corporation na planong itayo sa nasasakop ng Laguna at Quezon.

         Ang aming mga kadahilanan sa tahasang pagtutol sa mga itatayong dam ay bunga ng masusing pag-aaral at pag-uusap sa loob ng dalawang araw:

       Ayon sa batas IPRA na nagsasaad ng pangangailangan ng FPIC ay may karapatan kaming tumutol sa mga proyektong ito. Ang mga proyektong nabanggit ay hindi dumaan sa tamang proseso ng FPIC.

    Napapaloob ang mga lugar na pagtatayuan ng mga ito sa aming lupaing ninuno, na kung saan ay makikilala ang aming katutubong kultura at tradisyon (sagradong lugar, botika, palengke at aklatan ng aming buhay) at ang mga ito ay nakakaapekto sa tahimik at mapayapa naming pamumuhay.

      Ang lugar na paglilipatan sa amin ay hindi angkop sa aming kultura at pamamaraan ng pamumuhay na nakaugat at malalim na nakaugnay sa kalikasan.

  Ang mga proyektong ito ay hindi makakalikasan, kundi makakapinsala sa sistemang ekolohikal at kikitil sa samu’t saring buhay.

Hindi sustenable ang mga proyektong ito. Hindi nito isinasaalang-alang ang buhay ng susunod na henerasyon. Ang proyektong ito ay hindi magdadala ng tunay na kaunlaran kundi lalong mababaon sa utang ang ating bansa

      Makapipinsala rin ito sa mga sakahan sa mga pamayanan   sa kapatagan at

  Ang mga lugar na pagtatayuan ng mga dams ay nasa aktibong earthquake fault lines.

 
This website was created for free with Own-Free-Website.com. Would you also like to have your own website?
Sign up for free